I enjoy going to the theater and writing about what I see. I get to pour out what I feel on a visceral level immediately after a show. It allows me to process what I've seen, see if I've learned anything new, reflect on how it relates to my experiences (how very Ignatian naman!), and, at the very least, remember those two hours of my life I've invested in the theater.
Marami nang naka-banggit nito, kasama na ang ilang tunay na kritiko katulad ni Gibbs Cadiz, at uulitin ko lang. Hindi kasi parang pelikula, libro, o larawan ang sining panteatro. Hindi mababalikan nang madalian ang mga ito katulad ng mga DVD ng paboritong pelikula. Hindi magagawan ng kopya o mabibili saanman katulad ng nobela. Hindi makukunan ng litratong maitatago sa habang panahon.
Bahagi ng kaluluwa ng teatro ay ang katotonanang lumilipas ito- higit pa ang bilis sa anumang sining, lalu na sa Pilipinas. Bawat pagpapalabas ay bago at sariwang karanasang hindi na mauuulit pa. Kung gayon, anumang paraang gawin upang maalala ito ay kontribusyon na sa sining na ito. Pribilehiyo ng manonood na magsalita ukol rito at ipagpatuloy ang alaala ng produksyong magtatapos balang araw. Sa paglipas ng panahon, ang naisulat tungkol sa kanila, kahit gaano kaikli, kababaw, o kasimple ay tala sa kasaysayan-- na minsan, may nabuhay na produksiyon.

No comments:
Post a Comment